TV

Sophia Senoron, enjoy sa 'bonding over food' ng 'Voltes V: Legacy' cast sa set

By Kristian Eric Javier

Para kay Voltes V: Legacy actress at Sparkle artist na si Sophia Senoron, malaking motivation niya ang pagkain, lalo na't noong nagtetaping pa sila para sa largest, mecha adaptation series nila.

Sa kanyang interview sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Sophia na 'pag nagte-taping, kailangan daw niya ng pagkain “to get by” sa buong araw. Bukod pa rito, importante rin sa kanya na makain ang kung ano mang kine-crave niya sa araw na 'yon dahil 'yon ang source of energy para sa taping.

“Nalulungkot ako kapag kunwari may naiisip akong pagkain tapos hindi ko siya makukuha. Parang may pagka-brat ako ru'n,” sabi nito.

Dagdag pa ng aktres, “Pero kasi I'm so big on food like that, e, where I really I get all of my source of my energy.”

Ilan sa mga cravings ni Sophia na hindi niya nakukuha sa tapings nila ay burgers, orange chicken, beef, salads, pizza at Samgyup o Korean barbecue.

“Oh my God! Korean barbecue, ang hirap nu'n. Paano kami magko-Korean barbecue sa lock-in taping? 'Yun na lang. Paano?” she said.

Sinabi rin ni Sophia na fan siya ng iba't ibang cuisine, tulad ng Korean at Japanese, at inaming nag-struggle siya na hindi niya makain ang mga cravings niya. Pero dahil din dito naging close siya sa mga katrabaho niya sa Voltes V: Legacy.

“Pero alam mo, feeling ko kaya kami naging kaibigan ng mga ibang tao sa taping, like close, kasi kung nagke-crave ako, nagke-crave din sila. So ang ending 1 a.m., kumakain pa rin kami. So 1 a.m. kumakain pa rin kami together. Ganu'n,” kuwento nito.

Inamin din ni Sophia na meron siyang mental list ng mga pagkain na gusto niyang kainin at ang ginagawa niya bago mag-taping ay minemessage ang yaya niya ng mga pagkain gusto niya sanang kainin.

Pag-alala ni Sophia, “Minsan kasi tumatawag 'yung yaya ko sa amin kasi nami-miss... Nami-miss niya ako so bini-video call niya ako so kinukuwento ko sa kaniya. 'Hala, gusto ko ng samgyupsal, gusto ko ng Japanese food.' So 'yung last taping, umuwi ako tapos nag-prepare sila ng food para sa akin. 'Yung iba na nagustuhan ko sa taping. Ganu'n. Pine-prepare ng yaya ko. So ganyan.”

MAS KILALANIN PA SI SOPHIA SA GALLERY NA ITO: