
The secret is out!
Kinumpirma ng direktor ng Voltes V: Legacy na si Mark Reyes na mapapanood sa action-packed drama si Kylie Padilla.
Sa Instagram post ni direk Mark ngayong Huwebes, August 10, ishinare niya ang larawan niya mula sa kanilang taping para sa extra episodes ng Voltes V: Legacy kasama si Kylie, Raphael Landicho (gumaganap na Little Jon), at Pancho Magno na magkakaroon din ng special participation sa serye.
Ayon kay direk Mark, gaganap si Kylie bilang Arisa samantalang gaganap si Pancho bilang Takeo. Sina Arisa at Takeo ay mga Boazanian.
"Surprise! The “worst kept secret” is that @kylienicolepadilla and @magnopancho are guesting on the extra episodes of @voltesvlegacy ! Catch them as Arisa and Takeo. The characters are creative derivatives of the Beastfighter “Gilgan” in the original anime," bahagi niya.
Dagdag pa ni direk Mark, asahan na marami pang sorpresa ang aabangan sa mga Voltes V: Legacy.
Patuloy niya, "Intrigued? We have more surprises, plot twists and revelations as #voltesvlegacy heads to its final weeks.
Sa caption, idinugtong din niya ang #encantadiareunion para sa kanilang muling pagsasama-sama nina Kylie at Pancho matapos ang requel ng Encantadia, na ipinalabas noong 2016. Dito ay gumanap si Kylie bilang Amihan, samantalang si Pancho ay gumanap bilang Hitano.
Mapapanood ang Voltes V: Legacy weeknights, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad, GTV, I Heart Movies, at Pinoy Hits.
Maaari rin itong mapanood online kasabay ng pag-ere sa TV via Kapuso Stream.
Magiging available naman ang full episodes at episodic highlights ng Voltes V: Legacy sa GMANetwork.com at sa iba pang GMA owned and operated online platforms.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang gmapinoytv.com/subscribe para malaman kung paano mapapanood ang programa overseas.