TV

'Voltes V: Legacy,' mapapanood na muli sa GMA!

By Marah Ruiz

Due to popular demand, muli nang mapapanood ang Voltes V: Legacy, ang groundbreaking Philippine adaptation ng iconic anime na Voltes V.

Dadalhin ng Voltes V: Legacy ang super robot action sa hapon dahil muli na itong matutunghayan sa nangunguna sa ratings na GMA Afternoon Prime.

Ang Voltes V: Legacy ay kuwento ng tatlong magkakapatid na sina Steve, Big Bert, at Little Jon Armstrong, at kanilang mga kaibigan na sina Jamie Robinson at Mark Gordon. Lalabanan nila ang mga puwersa ng humanoid alien na kilala bilang mga Boazanians na nagbabalak salakayin ang lupa at ilunsad ang kanilang mga beast fighter sa buong mundo.

Bibida dito sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho na gumanap bilang Voltes V team.

Mula ito sa produksyon ng GMA Entertainment Group sa pakikipagtulungan ng Telesuccess Productions at TOEI Company.

Let's volt in again sa hapon kasama ang Voltes V: Legacy, soon on GMA Afternoon Prime!