TV

'Voltes V: Legacy' trailer hits 1 million views on Facebook

By Cara Emmeline Garcia

Umabot na sa mahigit 1 million views ang trailer ng Voltes V: Legacy na inilabas ng GMA Network noong Huwebes, January 14, sa Facebook.

Umabot sa 1 million mark ang trailer na nagpapakita ng ilang mga eksplosibong eksena na mapapanood soon sa GMA-7!

Sa 1-minute trailer, kitang-kita ang Voltes V team in action habang nilalabanan nito ang evil Boazanian beast fighters na planong sakupin ang planetang Earth.

Ipinasilip din dito ang aktor na gaganap bilang si Steve Armstrong na isinigaw ang iconic line na “Let's volt in!”

Panoorin muli ang kapanapanabik na trailer ng Voltes V: Legacy dito:

Ang nasabing post sa official Facebook page ng GMA Network ay umani ng libo-libong reactions, comments at shares online!

Hindi rin na-disappoint ang netizens sa kanilang napanood dahil todo comment sila sa post na super excited na silang mapanood ang popular Japanese anime sa kanilang mga telebisyon very soon.

Ang Voltes V: Legacy ay hango sa Japanese anime na Voltes V na ipinalabas noong dekada '70.

Kuwento ito ng magkakapatid na sina Steve, Big Bert, at Little Jon Armstrong, kasama ang kanilang mga kaibigan na sina Jamie Robinson at Mark Gordon, habang nilalabanan ang humanoid alien race na Boazanians na planong sakupin ang planetang Earth.

Para sa updates tungkol sa Voltes V: Legacy, mag-log in sa GMANetwork.com!