TV

Martin del Rosario at Liezel Lopez, biggest break ang mapabilang sa 'Voltes V: Legacy.'

By Cara Emmeline Garcia

Handang-handa na ang Kapuso actors na sina Martin del Rosario at Liezel Lopez na magbigay gulo sa mundo ng Voltes V: Legacy ngayong kumpirmado na ang kanilang pagkakabilang sa cast ng much-awaited live-action series.

Noong Biyernes, February 12, inanunsyo sa 24 Oras na sila na ang gaganap bilang ang Boazanian characters na sina Prince Zardoz at Zandra.

Sa panayam ni Nelson Canlas, ibinahagi ni Miguel na “biggest break” n'ya si Prince Zardoz at pinaghahandaan n'ya ang komplikadong karakter nito simula pa lamang ng lockdown noong nakaraang taon.

Aniya, “Nung nakuha ko 'to, siyempre, 'yung puso ko kumabog ng malakas na malakas kasi alam ko kung gaano kalaki ang project na ito.

“Ang daming good roles na dumating sa akin -- sa tv at movie -- pero kino-consider ko 'tong si Prince Zardoz as my biggest break.

“Actually, kaming cast ng 'Voltes V: Legacy,' nung time ng lockdown nagkakaroon na kami ng script readings pero iba pa rin 'yung nandun ka sa set.

“Ako, nagpapalaki ako ng katawan to gain confidence kasi si Zardoz is very confident, powerful, at ang taas ng tingin n'ya sa sarili n'ya. So siguro malaki ang magagawa kung malaki 'yung bisig ko para mapasok ko 'yung sarili ko kay Zardoz.”

Ang gaganap naman bilang lover ni Prince Zardoz na si Zandra ay walang iba kundi si StarStruck alumna na si Liezel Lopez.

Bitiw ng aktres mas nag-pokus siya sa pagmamahal ng kanyang karakter sa prinsipe kaya siguro nakuha n'ya ang role sa action-packed series.

“Nung nag-audition po ako, hindi po siya 'yung usual na kontrabida na strong,” wika ni Liezel.

“I focused on her love for Zardoz. I think maybe that's the reason kung bakit ako napili.”

Noong lockdown, minabuti ni Liezel na mag-training para sa combat scenes kaya naman pinag-aralan n'ya ang sword fighting techniques at arnis training.

Dagdag n'ya kay Nelson, “Akala n'yo po madali lang siya pero ang bigat n'ya kapag sobrang tagal!

“Na-e-excite ako sa fight scenes namin. I think mas na-excite ako kasi unearthly siya, e. Hindi 'to 'yung usual na nakikita mo na fight sa tv.”

Panoorin ang kanilang buong panayam kay Nelson Canlas sa video na ito:

Ang Voltes V: Legacy ay proyekto ng GMA Entertainment Group na idederehe ni Mark A. Reyes at isinulat ni Suzette Doctolero.

Bago pa isapubliko ang lahat ng materyal ay inaprubahan at dumaan ito sa Toei Company, Ltd at Telesuccess Production Inc.

Tingnan ang mga kumpirmadong cast ng Voltes V: Legacy sa gallery na ito: