TV

Matt Lozano starts personal training as Big Bert Armstrong for 'Voltes V: Legacy'

By Cara Emmeline Garcia

Halos dalawang linggo matapos i-anunsyo ang kanyang pagkabilang sa live-action adaptation series ng Voltes V: Legacy todo training na si Kapuso actor Matt Lozano para gampanan ang kanyang role bilang ang ikalawang Armstrong brother sa serye.

Sa kanyang Instagram Story, ipinakita ni Matt ang kanyang personal training para paghandaan ang action scenes na gagawin n'ya bilang si Big Bert.

Sa video makikita na tinutuloy ni Matt ang kanyang long stick training, a favorite weapon ng character sa serye, at nagwe-weight training pa siya para mas lalo pang mapalakas ang kanyang pangangatawan.

Aniya sa Facebook, “Don't have the Bo staff yet, but used a Wushu Qiang instead for my training. I still have a long way to go, but here's a snippet of my basic training. Lezzdudiz”


Matagal nang nagsasanay sa martial arts training at combat fighting ang Kapuso actor and singer.

Kuwento niya kay Cata Tibayan noon, “Alam naman ng lahat na si Big Bert ay isang martial artist at napaka-disiplinadong tao rin.

“Bago ako nag-audition, I hired a grandmaster of arnis, which is tinuturuan n'ya ako ngayon na gumamit ng longstick -- ang favorite weapon ni Big Bert.”


Isa si Matt sa bubuo ng Voltes V team sa live-action adaptation ng popular Japanese anime.

Makakasama niya sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, at Raphael Landicho bilang ang napaka-cute na si Little Jon Armstrong.

Ang Voltes V: Legacy ay isang proyekto ng GMA Entertainment Group na idederehe ni Mark A. Reyes at isinulat ni Suzette Doctolero.

Bago pa man ipalabas ang mga materyal at script ng serye, ito ay ipinaapruba sa Toei Company, Ltd. at Telesuccess Production Inc.

Kilalanin pa si Matt sa gallery na ito: