TV

Miguel Tanfelix, nag-aaral ng gun firing at pagmomotor para sa 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos

Hindi biro ang preparasyon ni Miguel Tanfelix para sa upcoming live-action series na Voltes V: Legacy.

Bibida ang 22-year-old actor sa inaabangang serye kung saan gagampanan niya ang role ni Steve Armstrong.

Ayon sa panayam ni Miguel kay Nelson Canlas sa Balitanghali, "Binabasa ko po ulit 'yung script and tinapos ko na po 'yung animation ng Voltes V para mas makilala ko 'yung character ko. Meron akong notebook dito kung saan nililista ko ang mga dapat kong tandaan kapag ipe-play ko 'yung character ni Steve."

Ang mas kinaka-excite daw ni Miguel ay ang training niya para Voltes V: Legacy.

"Nagkaroon na rin po ako ng firing, nagsu-shooting na rin po ako with wheel gun and malapit na po ako mag-aral magmotor kasi si Steve kailangan magmotor."

Samantala, hindi man ngayong taon ipapalabas ang Voltes V: Legacy, aktibo naman siya sa social media.

Sa katunayan, halos mag-i-isang milyon na ang views ng kanyang dance cover ng "Butter," na latest hit ng global superstars na BTS, sa TikTok na ipinost niya nito lang June 5.

@migueltanfelix98

Butter dance cover 😏🧈 #butter #bts @bts_official_bighit

♬ Butter - 방탄소년단 (BTS)

Panoorin ang buong panayam kay Miguel sa video sa itaas.

Bukod kay Miguel, tampok din sa Voltes V: Legacy sina Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong, at child star Raphael Landicho bilang Lil Jon Armstrong.

Binibigyang-buhay naman nina Martin Del Rosario, Liezel Lopez, Epy Quizon, at Carlo Gonzalez ang papel bilang kontrabida na sina Prince Zardoz, Zandra, Zuhl, at Draco.

Parte rin ng much-awaited live-action adaptation ng Japanese anime sina Neil Ryan Sese as Dr. Hook, at Gabby Eigenmann as Commander Robinson.