What's on TV

Matt Lozano at Radson Flores, puspusan na ang training para sa 'Voltes V: Legacy'

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 3, 2021 2:58 PM PHT
Updated August 4, 2021 6:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

CIDG: 15 of 18 accused in missing sabungero case now under custody
'Tigkiliwi' joins prestigious Fantasporto 2026 film festival in Portugal
Byron Garcia's plaint vs Cebu guv in alleged SWAT uniform junked

Article Inside Page


Showbiz News

Matt Lozano and Radson Flores


Nagte-training si Matt Lozano ng bo staff, ang weapon ng kanyang karakter na si Big Bert. Samantalang kumuha ng extra lesson si Radson sa horseback riding para sa kanyang papel na si Mark Gordon.

Malapit na ang lock-in taping ng inaabangang Voltes V: Legacy kaya naman puspusan na ang training nina Matt Lozano, na gaganap bilang Big Bert, at Radson Flores, na gaganap bilang Mark Gordon.

Nagte-training ngayon si Matt sa paggamit ng bo staff, ang weapon ni Big Bert.

Kuwento niya sa 24 Oras, "Gusto ko pagdating ko sa set, handa ako. Nagte-training ako ngayon ng mga stunts ng bo staff, para pagdating sa set, handang handa ako hindi lang sa [pag-arte]."

A post shared by Matt Lozano (@mattlozanomusic)

Dahil maraming action scenes ang kailangan nilang kunan sa Voltes V: Legacy, mayroong na ring extra workout session ni Radson.

Kamakailan lang din ay kumuha siya ng horseback riding lesson bilang paghahanda sa kanyang karakter.

"Kailangan, kumbaga parang sumasayaw kayo nung kabayo, parang kailangan hindi kayo magkakatapakan ng paa, same kayo ng rhythm, momentum, at 'yung balance," kuwento ni Radson.

Dagdag pa ni Radson, may parte si Mark Gordon na nakaka-relate siya, tulad ng pagiging introvert.

"Ime-make sure ko po na stick into canon 'yung character na si Mark, 'yung naalala ninyong masungit na mahigit sa mga kabayo pero focus pa rin sa pag-save sa earth."

A post shared by Radson Flores (@radsonflores)

Makakasama nina Matt at Radson sa Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix (Steve Armstrong), Ysabel Ortega (Jamie Robinson), at Raphael Landicho (John "Little Jon" Armstrong).

Bukod sa kanilang lima, kilalanin pa ang ilang mga artista na mapapanood sa Voltes V: Legacy rito: