TV

Matt Lozano, todo ang training para sa 'Voltes V: Legacy'

By Aaron Brennt Eusebio

Mahigit isang taon naghanda ang Kapuso actor na si Matt Lozano para sa inaabangang Voltes V: Legacy, ang live-adaptation ng popular Japanese '70s anime.

Ayon kay Matt, tatlong beses niyang pinanood ang original anime version ng Voltes V, at nag-train din siya sa paggamit ng bo staff, ang weapon ng kanyang ginagampanang karakter na si Big Bert.

"Pinanood ko ng tatlong beses, paulit-ulit ang series," pag-amin ni Matt sa panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

"Ang tagal kong pinaghandaan ito, almost a year. Training, workshops, but nung first day ko ang daming adjustments kasi iba 'yung pagka-humanity mo, e. Hindi mo naman puwedeng kopyahin lang mismo 'yung nasa anime."

Pero kahit na challenging, nagpapasalamat si Matt sa direktor ng Voltes V: Legacy na si Mark Reyes dahil tinutulungan sila nito kapag nahihirapan sila sa mga eksena.

"Sobrang swabe lahat kasi, grabe napaka-clear din magbigay ng instructions ni Direk Mark, e. So wala ka ng ibang hihingin pa."

Makakasama ni Matt sa Voltes V: Legacy sina Miguel Tanfelix (Steve Armstrong), Ysabel Ortega (Jamie Robinson), Radson Flores (Mark Gordon), at Raphael Landicho (John "Little Jon" Armstrong).

Bukod sa kanilang lima, kilalanin pa ang ilang mga artista na mapapanood sa Voltes V: Legacy rito:

Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI Company and Telesuccess Productions, Inc.

Maging updated tungkol sa produksyon ng Voltes V: Legacy dito lamang sa GMANetwork.com.