TV

Director Mark Reyes shows photo with 'Voltes V: Legacy' villains inside Skull Ship

By Jansen Ramos

Unti-unti nang nare-reveal ang bawat detalye sa inaabangang Voltes V: Legacy.

Noong bisperas ng Bagong Taon, inilabas ng GMA ang exclusive featurette ng live-action adaptation ng sikat na '70s Japanese anime.

Dito ay kumpletong mapapanood ang cast ng programa in their costumes na kaparehong-kapareho sa original version.

Kabilang diyan ang Voltes V villains, o kilala sa tawag na Boazanians, na binubuo nina Prince Zardoz (Martin Del Rosario), Zandra (Liezel Lopez), Zuhl (Epy Quizon), at Draco (Carlo Gonzalez).

Ang ilan sa mga eksena sa Voltes V: Legacy ay kinunan as early as May 2021 kaya naman hindi napigilan ng direktor nitong si Mark Reyes na i-share ang ilang behind-the-scenes photos kasama ang cast ng highly-anticipated series.

Sa latest post ni Direk Mark, makikita ang direktor kasama sina (mula kaliwa) Liezel, Martin, Carlo, at Epy na in-character habang nasa set ng Skyrook, ang Boazanian Skull Ship na ginagamit ni Prince Zardoz kung saan siya nagbibigay ng command para atakihin ang planetang Earth mula space.

Ayon sa direktor, kuha ang larawan mula sa kanilang unang lock-in taping noon pang May 2021.

Ipinost pa ng Voltes V: Legacy main kontrabida na si Martin ang kanyang larawan as Prince Zardoz na nakaupo sa kanyang command throne chair.

Gayundin si Carlo na ipinakita ang kanyang three-horned character na si Draco sa kanyang Instagram account. Si Draco ay loyal sa mga amo niyang sina Prince Zardoz at Zandra. Wise strategist siya para sa battle formations kontra Voltes V team na binubuo nina Steve Armstrong (Miguel Tanfelix), Jamie Robinson (Ysabel Ortega), Mark Gordon (Radson Flores), Robert "Big Bert" Armstrong (Matt Lozano), at "Little Jon" Armstrong (Raphael Landicho).

Tampok din sa main cast ng Voltes V: Legacy sina Albert Martinez bilang Doctor Richard Smith, Neil Ryan Sese bilang Doctor Hook, at Gabby Eigenmann bilang Commander Robinson.

Mapapanood naman sa upcoming series bilang supporting cast members ang female Kapuso stars na sina Angela Alarcon, Sophia Senoron, Julia Pascual, Crystal Paras, at Elle Villanueva, pati ang male Kapuso stars na sina Kimson Tan, Migs Villasis, Dave Duque, Joaquin Manansala, at Jamir Zabarte.

Ang Voltes V: Legacy ay ipo-produce ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero. Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI Company and ng Philippine-licensing agent nitong Telesuccess Productions, Inc.