What's on TV

Dennis Trillo, kinonsiderang gumanap na Zardoz sa 'Voltes V: Legacy' nang una itong plinano

Published January 9, 2023 1:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

UAAP: NU stuns UST, draw first blood in women's basketball finals
Barricade mulled below flyover, as DPWH sought to pay P1.9M debt

Article Inside Page


Showbiz News

Dennis Trillo


Kasama si Dennis Trillo sa original cast ng 'Voltes V: Legacy' nang una itong plinano sampung taon na ang nakalilipas.

On a roll si Kapuso Drama King Dennis Trillo habang patuloy ang pag-init ng mga eksena sa Maria Clara at Ibarra at inaabangan na rin ang kanyang pagganap sa Voltes V: Legacy.

Mula Maria Clara at Ibarra, tatalon si Dennis sa Voltes V: Legacy para gampanan ang papel na Dr. Ned Armstrong.

Aminado ang aktor na fan siya ng Voltes V, na isa mga nagpa-oo sa kanya na gawin ang proyekto.

"Sobra, actually nagboses na rin ako ng Voltes V dati bilang Steve Armstrong, sobrang nostalgic," bahagi ni Dennis sa panayam ni Nelson Canlas para sa 'Chika Minute' report nito sa 24 Oras noong January 6.

Pero alam n'yo ba na kasama si Dennis sa original cast nang unang plinano ang Voltes V: Legacy sampung taon na ang nakalilipas bilang si Prince Zardoz?

Sumabay na rin sa paggulong ng panahon at pag-iba ng cast, ngayon ay gaganap si Dennis bilang Ned Armstrong, ang ama nina Steve, Big Bert, Little Jon, at Zardoz. Si Martin Del Rosario ang pinal na gaganap na Zardoz sa Voltes V: Legacy.

Ani Dennis, "Bumagay din naman kahit papaano dahil through the years ando'n na rin 'yung maturity ko sa features, at sa experiences, at sa pag-acting na rin. Kaya kahit papaano, 'di naman ako nahirapan sa pagganap ng role na 'yun dahil napakaimportante rin 'yung character na 'yon sa kwento ng Voltes V.

Panoorin ang buong ulat sa video sa itaas.

Mapapanood ang Voltes V: Legacy sa second quarter ng 2023, ayon sa direktor nitong si Mark Reyes.

Ang Voltes V: Legacy ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI Company at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG MAPAPANOOD SA VOLTES V: LEGACY: