TV

Marx Topacio, mapapanood sa 'Voltes V: Legacy'

By Jansen Ramos

Nagbigay ng update ang direktor ng inaabangang Voltes V: Legacy na si Mark Reyes tungkol sa programa na nakatakdang ipalabas ngayong taon.

Sa Instagram post niya ngayong Huwebes, February 23, ibinahagi ni direk Mark ang ilang larawan mula sa kanilang pagbabalik-taping.

Ayon sa direktor, ito na ang last leg ng kanilang produksyon at ilang araw na lang ay matatapos na ang kanilang taping na nagsimula noong May 2021.

Kabilang sa mga nagbalik-taping ay sina Carla Abellana, Martin Del Rosario, Liezel Lopez, Ryan Eigenmann, Carlo Gonzalez, at ang co-actor double ni Epy Quizon. Sa nasabing post, nabunyag din na parte ng cast ng Voltes V: Legacy si Marx Topacio, na nakatrabaho din ni direk Mark sa 2016 version ng Encantadia.

"Scenes from the set of @voltesvlegacy , the last leg. With @carlaangeline @marx_topacio @ryaneigenmann421 @liezel.lopez @martinmiguelmdelrosario And that's not Epy. 😃 #bodydouble #ronindj #redkomodo #myowntoys #youdowhatyougottado #lastfewdaysleft," sulat ng direktor sa caption.

Muli ring sumabak sa taping para sa Voltes V: Legacy ang lead stars nitong sina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores, at Raphael Landicho, kasama ang iba pang cast members na sina Gabby Eigenmann, Elle Villanueva, at Angela Alarcon.

Embed attached photo
Photo from gabbyeigenmann/Instagram

Mapapanood ang Voltes V: Legacy sa GMA Telebabad ngayong 2023.

Ito ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panulat ni Suzette Doctolero.

Lahat ng mga materyal na gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng TOEI at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG MAPAPANOOD SA VOLTES V: LEGACY: