TV

'Voltes V: Legacy' drops theatrical trailer

By Jansen Ramos

Ini-release na ng GMA ang official trailer para sa theatrical run ng inaabangang Voltes V: Legacy sa 24 Oras ngayong Biyernes, March 24.

Bago pa ito ilunsad sa telebisyon, magpe-premiere ang programa sa mga sinehan. Eksklusibo itong mapapanood sa SM Cinemas mula April 19 hanggang April 25. Magkakaroon ng advance ticket selling para rito simula Sabado, March 25.

Pinamagatan itong Voltes V: Legacy: The Cinematic Experience dahil mapapanood muna ang upcoming Kapuso series sa big screen in full 5.1 surround sound.

Ang bersyon na mapapanood sa mga sinehan ay special edit ng unang tatlong linggo ng groundbreaking action-packed drama na base sa iconic Japanese anime na Voltes V.

Panoorin ang buong theatrical trailer ng Voltes V: Legacy sa video sa itaas.

Ang Voltes V: Legacy ay pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega, Radson Flores, Matt Lozano, at Raphael Landicho na gaganap bilang Voltes V team.

Ito ay mula sa produksyon ng GMA Entertainment Group, sa ilalim ng panuat ni Suzette Doctolero at sa direksyon ni Mark Reyes.

Lahat ng mga materyal na ginamit at gagamitin para sa programa ay inaprubahan ng Toei at ng licensing agent nito sa Pilipinas na Telesuccess Productions, Inc.

NARITO ANG IBA PANG ARTISTANG MAPAPANOOD SA VOLTES V: LEGACY: