TV

Sunshine Dizon, excited sa kanyang karakter sa 'Wagas: Throwback Pag-ibig'

By Aaron Brennt Eusebio

Hindi maitago ng Kapuso actress na si Sunshine Dizon ang saya nang malaman niya na muli niyang makakatrabaho ang GMA Public Affairs para sa unang istorya ng 'Wagas' na pinamagatang 'Throwback Pag-ibig.'

Ayon kay Sunshine, hindi na sila maninibago dahil kilala na nila ang isa't isa.

"I'm very excited kasi this is the very first na lumipat ang Wagas sa Channel 7," saad ni Sunshine pagkatapos ng story conference ng 'Throwback Pag-ibig.'

'Wagas,' magbabalik at mapapanood na sa GMA-7

IN PHOTOS: At 'Wagas: Throwback Pag-ibig' story conference

"Happy ako kasi malapit sa puso ko ang mga taga GMA Public Affairs. I always enjoy working with them."

Ang award-winning direktor na si Adolf Alix Jr. ang magdederehe ng 'Throwback Pag-ibig' na nakatrabaho na ni Sunshine noon.

"It's always nice to work with people that you've worked with. Happy [kasi] hindi ka na maninibago kasi kilala mo na sila," dagdag ni Sunshine.

Abangan ang unang istorya ng Wagas na pinamagatang 'Throwback Pag-ibig' ngayong Agosto sa GMA.