TV

Barbie Forteza, inamin na gusto niya muling gumawa ng indie film

By Aaron Brennt Eusebio

Aminado ang 'Wagas: Wait lang... is this love?' star na si Barbie Forteza na nami-miss na niya ang paggawa ng indie film.


Taong 2016 nang huling gumawa si Barbie ng indie films: ang Laut, kung saan kinilala siya bilang Best Actress sa 36th Fantasporto International Film Festival, at ang Tuos, kung saan nominado siya bilang Best Supporting Actress sa Gawad Urian.

"Matagal na rin kasi noong huli akong nagkaroon ng indie film," kuwento ni Barbie sa interview sa kanya ni Joyce Pring para sa 'Stand for Truth.'

"Parang gusto ko gumawa ulit ng pelikula na seryoso naman.

"Kasi siyempre ngayon, itong Wagas, romcom. 'Yung [Sunday] PinaSaya, comedy din. So parang gusto ko ma-try 'yung variations kung kakayanin."

Makakasama ni Barbie sa 'Wagas: Wait lang... is this love?' ang kanyang boyfriend na si Jak Roberto, at ang kanilang kaibigan na si Kristoffer Martin.

Kasama rin sa cast sina Yayo Aguila, Tina Paner, Rey PJ Abellana, Ayra Mariano, Ashley Ortega, Mico Aytona, Chrome Cosio, at Jun Sabay.

Panoorin ang buong panayam ni Joyce kay Barbie sa video na ito:


Bago ang 'Wagas: Wait lang... is this love?,' panoorin muna ang unang istorya ng Wagas, ang 'Throwback Pag-ibig,' na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon, Mike Tan, Leanne Bautista, at Regine Angeles.

Panoorin ang Wagas, Lunes hanggang Biyernes, bago mag-Eat Bulaga.