TV

Kelvin Miranda, Angel Leighton, Nikki Co, at iba pang Sparkle stars, sumabak sa matinding training para sa 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis'

By Dianne Mariano

Ngayong Hunyo, mapapanood na ang pinakabagong action-comedy series ng GMA, ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis. Ang seryeng ito ay pinagbibidahan nina Bong Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Ilang Sparkle stars din ang mapapanood sa nalalapit na serye. Katunayan, sumabak sila sa multi-module training sa ilalim ng elite Special Action Force ng Philippine National Police bilang paghahanda sa kanilang roles sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Ibinahagi ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang official Facebook page ang video ng extensive training ng mga Kapuso artist na sina Kelvin Miranda, Angel Leighton, Nikki Co, Seb Pajarillo, Sandro Muhlach, Elias Point, Bella Thompson, Vince Crisostomo, Kirst Viray, Shuvee Etrata, Migs Villasis, Hailey Dizon, Joaquin Domagoso, Zonia Mejia, Manolo Pedrosa, at Sophia Senoron.

Ibinahagi rin ng ilang Sparkle stars ang kanilang experience sa matinding training na ito para sa bagong serye.

“Nakaka-nerbyos siya dahil first time kong gawin and nakaka-enjoy din at the same time dahil natututo ka, and na-e-experience mo rin 'yung ginagawa ng mga tagapaglingkod ng bansa gaya ng mga pulis,” pagbabahagi ni Kelvin.

Ani naman ni Nikki, “Very liberating at saka nakakalakas kumbaga ng loob. More than the physical, nate-train dito 'yung mind mo, 'yung passion mo.”

Kabilang sa stellar cast ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sina Sparkle stars Kate Valdez, Kelvin Miranda, at Raphael Landicho.

Mapapanood din sa action-comedy series sina Carmi Martin, Niño Muhlach, Dennis Padilla, Maey Bautista, Nikki Co, at Dennis Marasigan.

Ipinakikilala sa serye ang Kapuso actress na si Angel Leighton.

May special participation naman dito sina ER Ejercito, Bembol Roco, at Jeric Raval.

Abangan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sa GMA.

SAMANTALA, BALIKAN ANG NAGING STORY CONFERENCE NG WALANG MATIGAS NA PULIS SA MATINIK NA MISIS SA GALLERY NA ITO.