TV

Finale ng 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis,' mapapanood na mamaya!

By Dianne Mariano

Mapapanood na mamayang gabi ang pagtatapos ng high-rating Kapuso action-comedy series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, na pinagbibidahan nina Bong Revilla Jr., Beauty Gonzalez, at Max Collins.

Related content: 'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis' actors, puspusan ang paghahanda para sa kanilang roles sa serye

Base sa ipinalabas na teaser ng GMA Network sa telebisyon at online, haharap sa matinding bakbakan si Major Bartolome Reynaldo (Bong Revilla Jr.) sa mga kalaban niya. Ipinakita rito na nagkita muli si Tolome at ang mga parte ng Brainwash Inc. na sina Juancho “Kamao” Dehado (ER Ejercito), Dodong (Jeric Raval), at Mata.

Bukod dito, malalaman na rin kung sino ang Big Boss ng Brainwash Inc. Sino kaya ito?

Alamin 'yan sa season finale ng high-rating action-comedy series mamayang gabi!

Samantala sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago ng 24 Oras, may mga sorpresang inihanda ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis para sa kanilang finale episode.

“Makikita niyo kung gaano katindi ang bakbakan diyan. May mga eroplano pa na eksena diyan at may matitinding action stars na nakasama natin,” pagbabahagi ni Senator Bong Revilla Jr.

Hindi rin tuluyang magpapaalam ang naturang serye dahil magkakaroon daw ito ng ikalawang season.

Ani Bong, “Siyempre natuwa ako na natuwa 'yung mga kasamahan natin. Akala nila baka wala yata tayong season two pero nakikita naman natin because matataas ang ratings natin at palaging full load ng commercials. Natutuwa ako sa lahat ng mga sumuporta.”

Panoorin ang panayam kay Bong Revilla Jr. sa 24 Oras report na ito.

Huwag palampasin ang finale ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis mamayang 7:15 p.m. sa GMA.