TV

'Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2,' may mahigit 38M views sa social media

By Dianne Mariano

Hindi lamang sa telebisyon sinusubaybayan ng mga manonood ang matitinding eksena ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2, na pinagbibidahan nina Bong Revilla Jr. at Beauty Gonzalez, kundi maging sa social media.

Nasa mahigit 38 million views ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 sa iba't ibang social media platforms gaya ng Facebook, X (formerly Twitter), Instagram, at TikTok. Tampok dito ang episode clips, behind the scenes, online exclusives, and iba pa.

Bukod dito, nasa mahigit 500,000 na ang followers ng official Facebook page ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

“More than HALF A MILLION na ang mga nakikisigaw ng TOLOMEEEEE!! Maraming salamat sa walang sawang suporta, mga ka-Tolome!!” sulat sa post.

Patuloy na subaybayan ang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis Season 2 tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa GMA.