advertisement
TV

Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis: Suspendido si Major Bartolome Reynaldo?

1 of 8

Tolome, suspendido?

Nasuspinde si Major Bartolome Reynaldo (Bong Revilla Jr.) sa kanyang trabaho sa kapulisan matapos ma-frame-up at maakusahang parte ng Brainwash Inc.

2 of 8

Elize comforts Tolome

Nalaman ni Elize (Max Collins) ang nangyari kay Tolome sa trabaho kaya dinamayan niya ito. Nunit may iba palang pakay si Elize. Ipinagtapat ni Elize ang kanyang nararamdaman para kay Bartolome ngunit agad siyang ni-reject nito dahil sa kanyang pagmamahal sa pamilya at sa asawang si Gloria.

3 of 8

Family 

Nalaman ng pamilya ni Tolome ang nangyari sa kanya sa trabaho kaya dinamayan siya ng mga ito.

advertisement
4 of 8

Sheena protects Gary 

Aksidenteng nasaktan ni Nikko si Sheena (Kate Valdez) matapos protektahan ng dalaga si Gary (Kelvin Miranda) mula sa away ng dalawang binata.

5 of 8

Away sa loob ng sindikato?

Nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Bituka (Manolo Pedrosa) at Puso (Max Collins) matapos malaman ng huli na nasaktan ng binata ang kanyang nakababatang kapatid na si Sheena.

6 of 8

Dream or real?

Labis ang galit ni Gloria nang makita ang ginawang panloloko sa kanya nina Tolome at Elize, ngunit hindi pala ito totoo dahil napanaginipan lamang ito ng una.

advertisement
7 of 8

Hugo 

Nakilala nina Bartolome at Gloria ang tumatakbong mayor na si Hugo Salazar (Michael V.). Humanga si Hugo kay Tolome dahil sa pagiging pulis nito at inalok pa ng posisyon bilang kanyang head of security, ngunit nais munang makabalik ng huli sa serbisyo upang malinis ang kanyang pangalan.

8 of 8

Special participation 

Napanood sa 11th episode ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis sina Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at Cong. Lani Mercado-Revilla.

Gumanap ang una bilang ang general ng kapulisan habang ang huli naman ay ang matinik na misis nito.

Subaybayan ang finale ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, Linggo, 7:15 p.m., sa GMA.