TV

Kuya Germs, fan ni Gerphil Flores

By MARY LOUISE LIGUNAS

PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
 
Dream come true para kay Kuya Germs na nai-guest niya sa Walang Tulugan ang Asia’s Got Talent finalist na si Gerphil Flores.

LOOK: Gerphil Flores before Asia's Got Talent
 
Simula noong unang beses na napanood niya ang Pinay singer sa international competition, pinangarap na niyang makilala ito.
 
“Kailan ko kaya ma-i-ge-guest [si Gerphil]?” sabi ni Kuya Germs.
 
Kinuwento rin ni Shalala na hindi mapakali ang beteranong host noong araw na i-interviewhin nito si Gerphil.
 
“Kanina pa siya tanong ng tanong: ‘Dumating na ba si Gerphil?’ Excited siya talaga,” saad ng komedyante.
 
Dahil sa kanyang paghanga, abot langit ang ngiti at tuwa ng Master Showman nang matuloy ang guesting ng classical singer sa kanyang late night show.
 
“Para sa akin, she is a winner talaga. Humanga ako at nagpapatunay [talaga] siya na [ang] mga Pilipino ay talagang magagaling,” aniya.
 
Bilang regalo sa 24-year-old, ipinangako ni Kuya Germs na idadagdag niya ang pangalan nito sa Eastwood City Walk of Fame sa December 1.