TV

READ: Barbie Forteza and Kate Valdez tell favorite thing about each other

By Felix Ilaya

Present ang buong cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa media con nito na ginanap last January 21.

Barbie Forteza and Kate Valdez

IN PHOTOS: The cast members of 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' step out in their modern Filipiniana

Dahil first time makakatrabaho ng lead stars ng show na sina Barbie Forteza at Kate Valdez ang isa't isa, inalam ng ilang miyembro ng press kung papaano ang working relationship ng dalawa.

Ayon kay Barbie, mabilis naman silang naging close ni Kate dahil sa mga workshop na kanilang ginawa.

Aniya, "Palung-palo naman 'yung pagkaka-bonding namin, parang nalibot na namin ang dalawang lugar na kaming dalawa lang ang magkasama.

“Before kami mag-taping, nakadalawang familiarity workshop na kami.

“Bago pa kami sumabak kay Direk Mark [Sicat Dela Cruz], e, kilalang-kilala na namin ang isa't isa."

Madali rin namang napalagay ang loob ng actress kay Kate dahil sa pagiging open and dedicated nito sa trabaho.

"Unang araw pa lang ng workshop namin, ang dami ko nang nalaman sa kaniya, ganoon siya ka-willing mag-open up to someone na kakakilala niya pa lang.

"Ang sarap makatrabaho 'nung ganoon kasi alam mo na kahit 'yung dedication niya sa work, 100 percent," sabi ni Barbie.

Para naman daw kay Kate, naging older sister figure na raw si Barbie para sa kaniya dahil sa pagiging caring nito.

"Ako naman, since sa workshop and taping nakakasama ko si Ate Barbs, sobrang caring ni Ate Barbs.

“At naramdaman ko na mayroong nagaalalay sa 'kin at mayroong nagmamahal sa 'kin bilang ngayon ay kakakilala lang namin at first time lang namin mag-work.

“Thank you for that, Ate Barbs, for being my ate. Thank you for caring [for] and loving me," wika niya.

Sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, bibigyang buhay ni Barbie ang karakter ni Ginalyn, ang masiyahing anak ng Waray na dedicated na makaahon sa kahirapan.

Gaganap naman si Kate as Caitlyn, ang aspiring vlogger na anak ng Biday.

Pagbubukludin sina Ginalyn at Caitlyn ng kapalaran ngunit lingid sa kaalaman nila ay ang mga ina pala nila ay mortal na magkaaway!

Abangan sina Barbie Forteza at Kate Valdez sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday simula January 27 sa GMA Telebabad!

GMA Network's primetime series 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' unveils touching tale between friends-turned-foes