TV

LOOK: Pilot episode ng 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday,' trending sa Twitter!

By Felix Ilaya

Umere na ang first episode ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday last January 27.

Agad na naging usap-usapan ang pilot episode ng show at umabot sa top trending topics sa Twitter.

Sa unang yugto ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, ginampanan nina Lovi Poe at Max Collins ang mga batang Sussie at Amy na sa huli ay bibigyang buhay naman nina Dina Bonnevie at Snooky Serna.

Ipinakita rin dito kung saan nag-ugat ang away ng mag-best friends na sina Amy na isang Waray at Sussie na Biday.

Maraming netizens ang humanga sa natatanging pagganap nina Lovi at Max sa kanilang roles.

Tunghayan pa ang mga susunod na episodes ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday on GMA Primetime, pagkatapos ng 24 Oras.