TV

Kakaibang pagganap ni Barbie Forteza, mapapanood sa 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday'

By Felix Ilaya

May inihandang sorpresa ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza para sa masugid na tagasubaybay ng kaniyang show na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Ngayong Lunes, June 1, mapapanood ang "vlog" ng karakter ni Barbie sa show na si Ginalyn kung saan hihingi ito ng tawad sa kaniyang Sishie na si Caitlyn played by Kate Valdez.

Humihingi ng tawad si Ginalyn dahil nalaman ni Caitlyn na siya pala ang dahilan kung bakit hiniwalan siya ng kaniyang boyfriend na si Cocoy na ginagampanan naman ni Migo Adecer.

Sa Kapuso Showbiz News interview ni Barbie, kinuwento niya na challenging daw ang kaniyang ginawa para sa vlog na ito dahil maliban sa siya lang mag-isa ang nag-shoot nito, mahaba rin daw ang monologue na kinailangan niyang kabisaduhin.

Aniya, "Noong una, 'nung ine-explain sa amin, parang mahirap, parang challenging. Medyo na-overwhelm ako kasi ako magshu-shoot lahat so first time kong gagawin 'yon.

"Nagvo-vlog naman talaga ako pero iba 'yung gusto nilang ipagawa sa'kin so medyo na-challenge ako kung papaano. Tapos ang haba ng monologue. Usually sa vlog naman improv lahat 'yon so 'yon may script.

"Pero in the process, 'nung ginagawa na namin, meron akong laptop sa gilid, phone ko 'yung ginamit kong pang-shoot. Unti-unti, naging madali na siya para sa'min dahil nakikita nila 'yung ginagawa ko kasi naka-video call meeting din kami."

Panoorin ang Kapuso Showbiz Interview ni Barbie below:

Abangan ang apology vlog ni Ginalyn para sa kaniyang Sishie Caitlyn sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday na mapapanood sa GMA Drama Facebook page at GMA Network YouTube channel.