
Dahil sa lockdown na nangyari noong March 2020, maraming Kapuso shows ang huminto sa kani-kanilang taping upang makaiwas sa pagdami ng kaso ng COVID-19.
Isa sa mga shows na naapektuhan ng naturang lockdown ay ang GMA Telebabad drama series na Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.
Nang mailatag na ang mga safety protocol para sa new normal, muling nagsama-sama ang cast ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday para sa kanilang lock-in taping upang ituloy ang kuwento ng kanilang show.
Ayon sa aming panayam sa Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza, talagang kaabang-abang daw ang mga revelation scenes na ating matutunghayan sa pagbabalik ng kanilang serye.
Bukod rito, talagang na miss daw ni Barbie ang pag-arte matapos magpahinga nang ilang buwan.
Aniya, "Actually, mayroon isang eksena, mabigat kasi siya, revelation scene siya, one of the many revelation scenes.
"'Tapos maraming eksena din siya eh, tatlo o apat na eksenang magkakasunod, 'four-hog' ang tawag namin.
"'Tapos after noon, kinausap ako ni Direk Mark (Dela Cruz), sabi niya 'Beh, na-miss mo umarte 'no?' Kasi parang andami kong ginawa sa apat na eksenang 'yon na wala naman talaga sa script.
"Pero 'yon, nakakatuwa lang kasi na-miss ko 'yung ganoon. 'Yung talagang going with the flow of the scene, 'yung madadala ka sa eksena.
"Parang nawala sa isip namin 'yung pandemic na nangyayari, parang bumalik kami lahat sa storya. Ang sarap sa feeling, napaka-fulfilling niya."
Para naman sa co-actress ni Barbie na si Kate Valdez, naging challenging sa kaniya ang pagbabalik sa acting at pag-portray ng role niyang si Caitlyn.
"Sa totoo lang, medyo nangangapa po ako [laughs]. Para akong bumalik sa umpisa, like from the start ng taping day, parang mag-uumpisa pa lang ulit 'yung show.
"Tatanungin ko 'yung sarili ko, 'Paano ulit umarte?'
"May part sa 'kin na nagshe-shake ako 'nung nag-take kami last time. Sabi ko, 'Bakit ako kinakabahan?' Iyon pala, siyempre mayroon ngayon nangyayari so 'di na ganoon katulad before 'yung aming set and kung paano kami mag-interact sa co-actors namin," wika ng aktres.
Gaya kay Kate, nahirapan din daw si Migo Adecer sa pagbabalik taping at inamin rin na nakalimutan niya kung papaano gampanan ang kaniyang karakter.
"I walked straight to Direk's room and I said 'Direk, pasensya na, hindi ko alam kung paano i-act si Cocoy ulit.' Medyo dusty na.
"I remember the first three tapings, I couldn't cry. But after the third day of taping, I was back in the saddle. It's like riding a bike pala," kuwento ni Migo.
Ngayong January 18, 2021, muling magbabalik ang Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad starting with its pilot episode.
Sa darating naman na February 8, mapapanood na ang fresh episodes ng show na kinunan nila mula sa kanilang lock-in taping.
At teaser pa lang, kapanapanabik na ang mga eksenang ating matutunghayan sa show, gaya na lang ng rebelasyon na magkapatid pala sina Ginalyn at Caitlyn!
Abangan ang pagbabalik ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa GMA Telebabad, ngayong January 18 na!
Kilalanin ang cast members ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday sa gallery na ito: