GMA Logo Barbie Forteza and Kate Valdez
What's on TV

Chat Barbie Forteza and Kate Valdez online on February 2!

By Bianca Geli
Published February 1, 2021 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Barbie Forteza and Kate Valdez


Makipagkulitan sa sishies ng 'Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday' na sina Barbie Forteza at Kate Valdez ngayong Feburary 2, 3PM!

Umpisahan ang inyong Kapuso Month kasama ang leading ladies ng Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday. Maki-join sa online sissy chikahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez ngayong February 2, 2021. Para makasali, mag-download lang ng Bubble Gang Viber stickers.

Bisitahin ang https://vb.me/24C50D o https://stickers.viber.com/pages/BubbleGangPH para makapag-download ng stickers at makasama sa kuwentuhan nina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez) at makibalita sa mga dapat abangan sa Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday ngayong nagbalik telebisyon na sila with fresh new episodes.

Ibinahagi nina Barbie at Kate na hindi naging madali ang nagdaang community quarantine para sa kanilang dalawa dahil natigil pansamantala ang kanilang taping.

Kuwento ni Kate sa naganap na Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday online media conference, "Sa totoo lang, ilang months din kaming walang taping so hindi ko po dine-deny na medyo nahirapan akong mag-adjust sa character ko."

Para kay Barbie naman, na-miss niya nang lubusan ang acting. "I entered showbiz for one reason, para umarte, at tinanggal 'yun sa 'kin ng pandemic."

Ngayong nakapag-lock in taping na sila, masasabi nina Barbie at Kate na mas naging matatag ang friendship nila matapos ang three-week lock-in taping.

Saad ni Kate, "Alam naman po namin ni Ate Barbie kung paano i-handle 'yung mga negative comments galing sa viewers and hindi naman po namin hahayaan na masira 'yung friendship na meron kami, off and on-cam. 'Yung mga messages galing sa viewers, alam naman namin na nadadala lang sila sa characters. Na-realize ko na hindi dapat magpadala sa mga ganoong bagay. And hindi po namin 'yun hinahayaan na makaapekto sa friendship namin."

Sang-ayon naman si Barbie rito at ibinahagi kung gaano siya ka-close kay Kate.

"Madalas kapag all-cast 'yung eksena, kami 'yung mas parang nakakapagchikahan, kasi kahit papaano may hiya pa rin kami na mag-approach sa mga mas nakakatanda sa cast so mas kaya kong i-approach si Kate. Mas kaya ko siyang chikahin agad tapos 'yung mga out-of-town shoots namin kaming dalawa lang 'yung magkaeksena. Parang naglalaro lang din kami 'pag mga ganoon so nakakatuwa dahil mas maayos nagagawa 'yung trabaho kapag maayos din 'yung working relationship mo with your co-actors."

Patuloy na panoorin sina Barbie Forteza bilang Ginalyn at Kate Valdez bilang Caitlyn sa Anak Ni Waray Vs Anak Ni Biday sa GMA-7 tuwing Lunes hanggang Biyernes alas otso ng gabi.