
Mas lalong lumalim ang kuwento at patindi nang patindi ang mga eksena sa finale week ng Kapuso primetime series na Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday.
Hindi tuloy maitago ng isa sa mga bida nito na si Barbie Forteza na mapa-throwback sa mga pinagdaanan nila sa show nang makapanayam siya ng 24 Oras.
Kuwento ni Barbie, "It was a big challenge for all of us even for our director Mark Dela Cruz to get back on track.
"Nakakalungkot na matatapos na siya kasi ganun na kalaki at karami 'yung pinagsamahan namin sa show. Not just with the cast pero kahit 'yung mga staff talagang parang naging pamilya na kami."
Anu-ano nga ba ang dapat tutukan ng viewers sa finale week ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday na magsisimula na sa Lunes, March 8?
"Nada-divert na 'yung story from the love triangle of Ginalyn, Cocoy and Caitlyn to the family.” ani Barbie
"'Yung mga revelations, 'yung mga tungkol sa tunay na pagkatao ganyan, so nakakatuwa kasi as the story progresses palalim siya ng palalalim."
Matatapos ang ang kanyang primetime series, magiging busy pa rin ang aktres sa mga shows niya tulad ng All-Out Sundays at pati na din ang gagawin niyang mini series na I Can See You kung saan makakasama niya ang magaling na TV-movie actor na si Christopher De Leon na last year ay napagtagumpayan ang laban niya sa COVID-19.
Magsisilbing reunion project din ito ni Barbie with Paul Salas na nakasama niya noon sa Kara Mia.
"Reunion namin bilang nagkasama na kami sa Kara Mia before at kasama rin po natin ang napakahusay na si Mr. Christopher De Leon kaya excited na ako."
Heto at silipin ang naging lock-in taping experience ng cast ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday sa gallery below.