GMA Logo anak ni waray vs anak ni biday
What's on TV

Kate Valdez at Snooky Serna, mami-miss 'Anak ni Waray vs. Anak ni Biday' co-actors

By Bianca Geli
Published March 8, 2021 3:03 PM PHT
Updated March 8, 2021 3:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

anak ni waray vs anak ni biday


Anong pakiramdam nina Snooky Serna at Kate Valdez sa pagtatapos ng 'Anak ni Waray vs. Anak ni Biday'?

Excited na raw sina Snooky Serna at Kate Valdez sa final episodes ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday.

Magtatapos ngayong linggo ang naturang GMA Telebabad series.

Sa panayam ng 24 Oras, sinabi ni Kate na ibinuhos nila ang kanilang pagmamahal sa proyekto lalo na noong nagka-pandemya.

Mami-miss daw niya ang buong cast and crew lalo na ang nabuong pagkakaibigan nila ni Barbie Forteza, na kapwa niya lead actress sa programa.

"Napakaikli ng time namin, para mas makilala pa at maka-bonding ang isa't isa. But this is memorable for me. Parang pamilya na kami sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday kaya ang hirap mag-let go.

Ayon kay Snooky Serna, marami pang mga eksenang dapat abangan ngayong finale week na siyang magbibigay buhay sa storya.

Aniya, "Marami pang drama na mangyayari kay Waray at kay Biday, at sa mga anak namin. Maraming pasabog."

Ilan sa mga dapat abangan sa programa ay ang pagbunyag ng DNA test results nina Ginalyn (Barbie Forteza) at Caitlyn (Kate Valdez).

Dahil sa DNA test, napatunayang parehong anak ni Joaquin (Jay Manalo) sina Ginalyn at Caitlyn.

Malapit na rin malaman nina Amy (Snooky Serna) at Sussie (Dina Bonnevie) kung nagkaroon nga ba ng baby switching.

Magaan man ang loob ni Amy kay Caitlyn, paano kung hindi niya ito tunay na anak? At paano kung si Sussie pala ang tunay na ina ni Ginalyn na kinamumuhian niya?

Magkaayos pa kaya sina Amy at Sussie matapos masira ang pagkakaibigan sa isang lalaki?

Sino kaya ang makatuluyan ni Cocoy (Migo Adecer) kina Ginalyn at Caitlyn?

Abangan ang huling linggo ng Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday, tuwing 8:00 ng gabi sa GMA-7.