
Isang challenge daw sa pagiging actor ni Jeric Gonzales ang gagampanan niyang role sa Widows' War.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Jeric, sinabi ng aktor na challenging para sa kanya ang bago niyang proyekto.
Pahayag niya, “Kinakabahan ako kasi it's a very challenging series, napakaganda ng concept."
Dagdag pa ng Kapuso actor, "Siyempre pa mga kasama ko rito magagaling na aktres, Bea [Alonzo], Carla [Abellana]...”
Nito lamang February 23, 2024, naganap na ang unang araw ng taping para sa bagong serye.
Ang upcoming murder mystery drama series ay pagbibidahan ng Kapuso actresses na sina Carla Abellana at Bea Alonzo.
Abangan ang Widows' War, ngayong 2024 sa GMA Prime.