
Kanya-kanyang hula na ang mga manonood kung sino ang tunay na pumatay kay Paco Palacios, ang karakter ni Rafael Rosell sa Widows' War.
Kamakailan lang, naglabas ng poll ang GMANetwork.com, kung saan game na game na sumagot ang viewers at netizens tungkol sa killer ni Paco.
Base sa naging resulta ng poll noong July 15, nakakuha ng pinakamataas na boto si Galvan, ang role ni Tonton Gutierrez sa serye.
Top 2 naman ang anak ni Galvan na si Basil, ang karakter ni Benjamin Alves.
Ang ikatlo naman na nakakuha ng mataas na boto ay si Jericho, ang karakter ni Royce Cabrera.
Mayroon ding bumoto kina Amando (Lito Pimentel), Sam (Bea Alonzo), Rebecca (Rita Daniela), Mercy (Timmy Cruz), Francis (Jeric Gonzales), George (Carla Abellana), at Ward (Matthew Uy).
Sino nga kaya ang killer ni Paco?
Samantala, ang serye ay pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Abangan ang susunod na mga tagpo sa pinag-uusapan ngayong murder mystery drama series.
Mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.