
Patuloy na nakatatanggap ng positive comments ang Widows' War at ang cast ng 2024 murder mystery drama.
Bukod sa viewers, nagpaabot din ng papuri si Unkabogable Vice Ganda sa mga aktor na napapanood sa serye.
Nitong July 27, matapos ang performance ni Rita Daniela sa It's Showtime, personal siyang kinumusta ni Vice.
Nagtanong si Vice tungkol sa karakter ni Rita na si Rebecca, isa sa miyembro ng pamilya Palacios na may kakaibang kondisyon.
Biro ni Vice, "Ano kilala mo na ba mga kasama mo 'yung sina Carla [Abellana]...?"
Kasunod nito, binanggit ni Vice na hanga siya sa acting skills ni Rita.
Pahayag ng It's Showtime host, "Ganda...Magaling ka dun."
Pinuri rin ni Vice ang cast ng Widows' War, "Congratulations... Magaling kayo dun lahat."
Samantala, ang serye ay pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Related gallery: Bea Alonzo and Carla Abellana are brides in black at the pictorial of
'Widows' War'
Mapapanood ang pinag-uusapang murder mystery drama tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.