
Patuloy na bumubuhos ang papuri ng viewers sa buong cast ng Widows' War.
Kabilang sa talaga namang pinag-uusapan sa serye ay ang mga karakter ng Sparkle stars na sina Rita Daniela at Royce Cabrera.
Kilala sila sa murder mystery drama bilang magkapatid na sina Rebecca at Jerico Palacios.
Sa previous episodes nito, natunghayan ang pag-amin ni Jerico kay Rebecca tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.
Matapos mapatunayan na isa siyang Palacios, labis na natuwa si Rebecca dahil hindi niya akalain na mayroon pala siyang kuya na kasama niya pa sa mansyon.
Kamakailan lang, naging komplikado ang buhay ng magkapatid dahil si Jerico ang pinagbintangan na killer.
Dahil dito, pansamantala munang lumayo si Jerico upang hindi na rin madamay si Rebecca.
Sa social media, mababasa ang comments at reactions ng viewers tungkol sa magkapatid na sina Rebecca at Jerico.
Basahin ang ilan sa mga ito:
Samantala, buhay pa nga kaya ang kanilang ama?
Sino kaya ang tunay na killer?
Huwag palampasin ang susunod na mga tagpo sa Widows' War, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
Related gallery: Mysterious highlights of the 'Widows' War' media conference