
Marami na ang talaga namang hook na hook sa 2024 murder mystery drama na Widows' War.
Bukod sa Pinoy viewers at netizens, nakatutok din sa serye ang Abot-Kamay Na Pangarap actress na si Dina Bonnevie.
Inilahad ni Dina sa exclusive interview ng GMANetwork.com na nanonood at sinusubaybayan niya ang istorya ng Widows' War.
Ayon sa kanya, kampi siya kay George Balay-Palacios, ang karakter ni Carla Abellana sa serye.
Kasunod nito, ipinaliwanag niya kung bakit Team George ang kanyang pinili at kung bakit ayaw niya kay Sam Castillo-Palacios, ang karakter naman ni Bea Alonzo.
Pahayag niya, “Team George ako. Ayoko kay Sam kasi pinatay niya si ano, si Paco (Rafael Rosell). She keeps lying and napaka-scheming niya.”
“I'm not for people who tell lies. Hindi 'to personal ah, kaibigan ko si Bea [Alonzo] pero Team George ako,” pahabol pa ni Dina.
Samantala, ang batikang aktres ay kilala sa Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Madam Giselle.
Siya ang nakatatandang kapatid ni Dr. RJ Tanyag, ang karakter ni Richard Yap sa award-winning medical drama series.
Huwag palampasin ang mga tagpo sa finale episode ng Abot-Kamay Na Pangarap.
Mapapanood ang Abot-Kamay Na Pangarap hanggang Sabado, October 19, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, ang Widows' War naman ay ipinapalabas tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.