
Maraming viewers ang patuloy na nakasuporta sa Team George sa Widows' War.
Ang karakter ni George ay ginagampanan ng A-list Kapuso actress na si Carla Abellana sa naturang murder mystery drama.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Carla, nagkuwento siya tungkol kay George at kung ano ang mga kaganapan sa buhay nito ngayon kasama ang mga Palacios.
Ayon sa kaniya, marami pa ring nangyayari sa pamilya Palacios at inilarawan niyang mas palaban na ngayon ang kaniyang karakter.
Pahayag niya, “Marami pa ring nangyayari sa mga Palacios.”
“Si George ngayon ay buntis at mas mainit siya, mas matapang siya. Gusto niya kasing protektahan 'yung magiging baby niya,” dagdag ni Carla.
Related Gallery: Widows' War: Mga eksena sa burol ni Basil Palacios
Pahapyaw pa ng aktres, “May malalaking changes na mangyayari sa mga Palacios.”
Ang tinutukoy dito ni Carla ay ang susunod na mangyayari sa buhay ng mga Palacios matapos masunog ang mansyon.
Sabi pa ni Carla, tuloy pa rin ang alitan nila ng former best friend niya na si Sam, ang karakter ni Bea Alonzo sa serye.
“Of course, hindi mawawala, 'yung galit niya kay Sam ayon… 'yung gusto ni [George] na paghihiganti lalo ngayong buntis nga si George.”
Patuloy na subaybayan ang paganda nang pagandang istorya ng Widows' War.
Mapapanood ang Widows' War tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.
Related Gallery: Memorable scenes from 'Widows' War' pilot episode