
Patuloy na pinag-uusapan ng viewers ang mabibigat na mga eksena sa murder mystery drama na Widows' War.
Kabilang na rito ang bagong rebelasyon tungkol sa isa sa mga Palacios na si Jerico, ang karakter ni Royce Cabrera sa serye.
Kamakailan lang, inilahad sa palabas na bago mamasukan bilang utusan sa Palacios' Estate ay isa palang scout ranger si Jerico.
#HottieAlert: Shirtless photos of Royce Cabrera
Labis na ikinagulat ni Galvan (Tonton Gutierrez) ang tungkol sa tunay na propesyon ng kanyang pamangkin.
Ayon kay Sgt. Royales (Arthur Solinap), “Mr. Palacios, hindi siya tanod, he's a soldier… pero hindi lang basta sundalo, he's a scout ranger.”
“Nagsinungaling ka sa aming lahat. Bakit ka pumasok bilang isang utusan? Ano pang lihim mo ang hindi mo sinasabi sa amin? sabi ni Galvan kay Jerico.
Sagot naman ni Jerico sa kanyang tiyuhin, “Gusto ko pong makilala ang pamilya ko…”
Sa social media, mababasa sa comments sections at posts ng viewers na natuwa sila sa bagong rebelasyon na ito tungkol kay Jerico.
Mayroon pa kayang ibang sikreto si Jerico?
Patuloy na tumutok sa Widows' War, mapapanood ito tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.