GMA Logo Widows War, Carmina Villarroel, Jean Garcia
What's on TV

Carmina Villarroel, masayang nakatrabaho muli si Jean Garcia

By EJ Chua
Published December 2, 2024 6:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Widows War, Carmina Villarroel, Jean Garcia


Carmina Villarroel sa kanyang 'Widows' War' co-star na si Jean Garcia: “Parang reunion namin itong dalawa.”

Si Carmina Villarroel ang pinakabagong guest actor na napapanood ngayon sa Widows' War.

Mula sa Widows' Web, tumawid ang kanyang karakter na si Barbara o Barry sa 2024 murder mystery drama.

Sa isang panayam, inilahad ni Carmina na nakaramdam siya ng excitement noong malaman niyang ang aktres na si Jean Garcia ang isa sa makakasama niya sa serye.

Ayon sa una, minsan na niyang nakatrabaho sa isang proyekto si Jean.

Pahayag niya, “Ang sarap katrabaho ni Ate Jean [Garcia]. I've worked with her sa Kambal, Karibal.”

Masayang inilarawan ni Carmina si Jean at inihalintulad niya ang ilan sa kanyang mga katangian ng huli sa kung ano rin siya bilang aktres.

Sabi niya, “Parang reunion namin itong dalawa. Hindi naman ako nanibago na maka-eksena si Ate Jean kasi ano siya very warm, parang ako 'yan eh, very bubbly, ma-chika, kaya exciting.”

Kasunod nito, nagkuwento ang 49-year-old actress kung ano ang naranasan niya sa unang taping niya kasama ang cast ng Widows' War.

Ayon kay Carmina, “Nung first day ko, everybody naman they made me feel na… winelcome talaga nila ako nang bongga.”

Samantala, ano kaya ang pakay ni Barbara sa buhay ni Aurora at iba pang miyembro ng pamilya Palacios?

Huwag palampasin ang mga susunod na rebelasyon sa Widows' War, ang pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.

Mapapanood ang hit murder mystery drama series tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime.