
Bukod sa viewers, tila nami-miss na rin ng Sparkle star na si Charlie Fleming ang karakter ni Benjamin Alves sa Widows' War.
Si Charlie ay napapanood sa hit murder mystery drama bilang si Sofia, isa sa mga anak ni Galvan Palacios (Tonton Gutierrez).
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Charlie, inalala niya ang namayapang kapatid ni Sofia na si Basil (Benjamin Alves).
Bilang Sofia, sinabi ni Charlie na noong nabubuhay pa si Basil ay gusto niyang mapalapit sa huli.
Pahayag niya, “Kunwari lang [buhay pa siya], kung buhay pa si Kuya Basil (Benjamin Alves), sana naman bati kami. Sana ma-accept niya na ako as his sister. Also, I want to be close to him,” dagdag pa niya.
Samantala, una nang nagbigay ng mensahe si Sofia sa mga magulang niya sa serye na sina Galvan (Tonton Gutierrez) at Vivian (Lovely Rivero).
Buo at masayang pamilya ang tanging hiling ni Sofia ngunit tila ipinagkakait ito sa kanya ng tadhana.
Ano pa kaya ang mangyayari sa buhay ni Sofia at ng mga Palacios?
Patuloy na tumutok sa paganda nang pagandang istorya ng Widows' War na pinagbibidahan ng A-list Kapuso actresses na sina Bea Alonzo at Carla Abellana.
Mapapanood ang murder mystery drama series tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Prime at Kapuso Stream.