
Simula February 28, mapapanood na ang kaabang-abang at kapana-panabik na Widows' Web sa GMA Telebabad.
Pinagbibidahan ito nina Kapuso stars Pauline Mendoza, Ashley Ortega, Vaness del Moral, at Carmina Villarroel.
Ayon sa “Chika Minute” report ni Lhar Santiago ng 24 Oras, naka-relate raw ang apat na aktres sa kani-kanilang roles at ibinahagi ang pinakagusto nilang katangian tungkol sa mga ito.
Photo courtesy: GMA News (YouTube)
Ayon kay Pauline, nagustuhan niya ang pagiging mapagmahal ng kanyang karakter bilang Elaine Innocencio. Aniya, “Mapagmahal si Elaine. Gagawin n'ya talaga lahat para lang sa pagmamahal.”
Ang pagiging mapagmahal din ang katangian na hinangaan ni Vaness sa kanyang pagganap bilang Hillary Suarez.
“She is a very loving person, especially to her family. Lahat gagawin n'ya para sa asawa n'ya at saka sa stepdaughter n'ya,” sagot niya.
Pagbabahagi naman ni Ashley tungkol sa kanyang role bilang Jackie Antonio-Sagrado, “What I love about Jackie is how she handles situations gracefully. Mapagmahal siya sa asawa n'ya. She's very devoted.”
Samantala, ang pagiging malakas at matatag ni Barbara Sagrado-Dee ang nagustuhan ni Carmina, na siyang magbibigay buhay sa nasabing karakter.
“Ang nagustuhan ko sa character ni Barbara, she's very strong. Kahit marami nang pinagdaanan sa buhay, hindi pa rin [siya] titigil because Barbara is also a mother,” sagot niya.
Bukod dito, mas nangingibabaw rin daw ang pagkakaibigan ng apat na lead stars tuwing off-cam.
“Para hindi sobrang intense, so we bond together kasi syempre, we're away from our families. Mas friendly matter na lang 'yung bonding namin,” pagbabahagi ni Ashley.
Huwag palampasin ang world premiere ng Widows' Web simula February 28, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.
Samantala, alamin ang iba pang Kapuso programs na dapat abangan ngayong 2022 sa gallery na ito.