GMA Logo Widows Web
PHOTO COURTESY: GMA Drama (FB)
What's on TV

'Widows' Web' world premiere, mamaya na!

By Dianne Mariano
Published February 28, 2022 10:00 AM PHT
Updated February 28, 2022 10:00 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Widows Web


Handa na ba kayong pasukin ang komplikadong mundo ng 'Widows' Web?' Abangan ang pilot episode mamayang 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.

Simula mamayang gabi, mapapanood n'yo na ang kapana-panabik at kauna-unahang suspenserye ng GMA Telebabad na tiyak na aabangan ng bawat Kapuso dahil sa makapigil-hiningang mga eksena.

Ang Widows' Web ay tungkol sa apat na babaeng masasangkot sa isang kaso ng pagpatay na punong-puno ng misteryo, panlilinlang, at sikreto.

Pinagbibidahan ito ng apat na pinakamahuhusay na aktres ng GMA Network na sina Pauline Mendoza (Elaine Innocencio), Ashley Ortega (Jackie Antonio Sagrado), Vaness del Moral (Hillary Suarez), at Carmina Villarroel (Barbara Sagrado-Dee).

Kabilang din sa powerhouse cast ng Widows' Web sina EA Guzman (Frank Querubin), Adrian Alandy (Vladimir Mabantog), Christian Vasquez (Boris Tayuman), Allan Paule (Ramon Innocencio), Tanya Gomez (Gloria Querubin), Karenina Haniel (Rose Punzalan), Arthur Solinap (Emil Bañez), Mosang (Delia Gonzales), Neil Coleta (Julius Collado), Mike Agassi (George Aguirre), Bernard Palanca (William Suarez), Dave Bornea (Dwight De Guzman), Anjay Anson (Jed Sagrado-Dee), Vanessa Peña (Nikki Suarez), at Ryan Eigenmann sa isang special guest role bilang Alexander Sagrado III o AS3.

Ang programang ito ay ang kauna-unahang proyekto ng batikang direktor na si Jerry Lopez Sineneng sa GMA Network.

Sa ginanap na online media conference kamakailan, ibinahagi ni Direk Jerry ang pasasalamat nito sa Kapuso Network dahil sa mahuhusay na cast na ibinigay sa kaniya.

“I'd like to thank GMA for giving me this cast kasi sobrang sarap katrabaho, sobrang gaan, at sobrang gagaling. Makikita n'yo naman po kapag napanood n'yo na 'yung show, ang galing galing nila,” pagbabahagi niya.

Tutukan ang world premiere ng Widows' Web mamayang 8:50 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.

Samantala, silipin ang iba pang Kapuso programs na dapat n'yong abangan ngayong 2022.