GMA Logo Ryan Eigenmann and the cast of Widows Web
What's on TV

Widows' Web: Ang imbestigasyon tungkol sa pagpatay kay Xander | Week 2

By Dianne Mariano
Published March 14, 2022 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Ryan Eigenmann and the cast of Widows Web


Matapos ang misteryosong pagpatay kay Alexander Sagrado III (Ryan Eigenmann), nagsimula na ang imbestigasyon upang matukoy kung sino ang salarin.

Sa ikalawang linggo ng Widows' Web, labis na nagulat ang lahat sa pagtitipon nang ipakilala ni Alexander Sagrado III (Ryan Eigenmann) ang kanyang sarili bilang executive director ng Sagrado Foundation at hindi ang kapatid nito na si Barbara (Carmina Villarroel).

Matapos ang event, isang misteryosong tao ang pumatay kay Xander at hinuli ng awtoridad si Frank (EA Guzman) dahil siya ang huling nakakita sa una bago ito mamatay. Naharap naman si Frank sa imbestigasyon tungkol sa kaso ni Xander at nagmakaawa ito sa pulis na siya'y inosente.

Inimbestigahan din ng awtoridad ang mga Sagrado kung kanino ang nawawalang sapatos na nakita sa crime scene.

Dumalo naman ang pamilya at mga kaibigan ni Xander sa kanyang lamay ngunit tila'y punong-puno sila ng galit laban sa una.

Nang dahil sa pag-aalala kay Frank, hindi na naalagaan ni Elaine (Pauline Mendoza) ang kanyang sarili. Ito rin ang naging sanhi sa pagkalaglag ng kanyang ipinagbubuntis na sanggol.

Sa paglabas ng resulta ng imbestigasyon, ang mga ebidensya ay nagtuturo na si Frank ay sangkot sa pagpatay kay Xander. Dahil dito, hindi naiwasan ni Elaine na sisihin ang kanyang sarili dahil sa mga nangyari.

Samantala, ginunita naman ni Jackie (Ashley Ortega) ang unang pagkikita nila ni Xander sa isang art gallery.

Patuloy na subaybayan ang Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.

Balikan ang kapana-panabik na mga eksena sa Widows' Web dito:

Widows' Web: The mysterious death of Alexander | Episode 6

Widows' Web: Frank appeals for his innocence | Episode 7


Widows' Web: The family Sagrado became one of the prime suspects | Episode 8


Widows' Web: Elaine suffers a miscarriage | Episode 9


Widows' Web: The investigation continues | Episode 10


Samantala, silipin ang behind-the-scenes sa lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.