GMA Logo Widows Web title card and ratings posters
What's on TV

'Widows' Web,' pataas nang pataas ang ratings!

By Dianne Mariano
Published March 15, 2022 3:26 PM PHT
Updated March 15, 2022 4:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Widows Web title card and ratings posters


Patuloy na namamayagpag sa telebisyon ang 'Widows' Web!'

Muling nakakuha ng mataas na ratings ang kauna-unahang suspenserye ng GMA-7, ang Widows' Web.

Matatandaan na umani rin ng high ratings ang pilot at ikaapat na episodes ng programa kung saan pareho itong nakakuha ng 10.4 combined ratings.

Noong March 10, nakakuha ang ika-siyam na episode ng 9.5 percent combined ratings, ayon sa NUTAM People Ratings, mas mataas sa nakuha ng katapat nitong palabas na nakakuha lamang ng 8.4 percent.

Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)

Tumaas naman ang nakuhang ratings ng programa sa sumunod na episode dahil umani ito ng 10 percent combined ratings habang ang katapat na programa ay nakakuha lamang ng 7.9 percent.

Photo courtesy: GMA Drama (Facebook)


Mga Kapuso, marami pa kayong dapat abangan na kapana-panabik na mga eksena tuwing weeknights sa Widows' Web.

Patuloy na subaybayan ang Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad pagkatapos ng First Lady.


Samantala, silipin ang behind-the-scenes ng lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.