
Sa ikalimang linggo ng Widows' Web, nanalo bilang bagong chairman ng Sagrado developments si Barbara (Carmina Villarroel) matapos ang ginanap na chairmanship meeting.
Nahuli naman ni Jed (Anjay Anson) sa kama si Barbara kasama ang kanyang tennis coach na si George (Mike Agassi). Labis na nagulat ang lahat ng tao sa pamamahay ng mga Sagrado nang aminin ni Barbara ang relasyon nila ni George.
Matapos ang ginawa ni George na pagtutok ng baril kay Elaine, isinumbong ng huli ang nangyari kay Jackie (Ashley Ortega). Nalaman naman ni Barbara na binigyan ni Xander (Ryan Eigenmann) si George ng malaking halaga ng pera upang layuan siya nito.
Sa pag-uusap ni Barbara kina Jackie at Hillary (Vaness del Moral), sinabi ng una na kasama niya si George noong gabing namatay si AS3.
Lumabas naman ang mga kasinungalingan ni Barbara nang unti-unting napagtanto ni Detective Bañez (Arthur Solinap) na hindi tugma ang mga salaysay nito noong una silang nagkausap tungkol sa kanyang kinaroroonan noong nangyari ang krimen.
Sa paghaharap nina Barbara at George sa presinto, naglabas ng sama ng loob ang dalawa tungkol sa isa't isa.
Matapos imbestigahan si Barbara, natagpuan na hindi sapat ang ebidensya upang litisin ito at pinakawalan siya ng awtoridad. Habang patuloy naman si Jackie sa paghahanap ng katotohanan tungkol sa pagkamatay ni Xander, muling nagbalik ang kanyang nakaraan na si Vladimir (Adrian Alandy).
Patuloy na subaybayan ang Widows' Web tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.
Balikan ang mga maiinit na ekena sa kauna-unahang suspenserye ng GMA dito.
Widows' Web: Jed finds the truth about Barbara's affair | Episode 21
Widows' Web: Exposing George and Barbara's relationship | Episode 22
Widows' Web: Barbara's suspicious alibi | Episode 23
Widows' Web: Ang umpisa ng pag-iimbestiga ni Barbara | Episode 24
Widows' Web: Jackie's first love returns | Episode 25
Samantala, silipin ang lock-in taping ng Widows' Web sa gallery na ito.