TV

Yasmien Kurdi on 'Yagit' kids: 'Ilalampaso nila 'yung ibang artista in the future'

By AL KENDRICK NOGUERA

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Halos lahat na yata ay natutuwa at bilib sa acting ng Yagit kids na sina Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla, Chlaui Malayao at Zymic Jaranilla. Kahit na mga baguhan pa lamang sa showbiz, nakikita raw ni Kapuso actress Yasmien Kurdi na malayo ang mararating ng mga batang ito.

"They are very promising. Ang cute nilang lahat at mababait sila," pahayag ng aktres.

Ngayong taon lang sumabak sa showbiz ang mga bata, matapos pumasa sa audition at ilang acting workshops ay agad na silang isinalang sa taping.

Kaya naman gulat na gulat si Yasmien sa ipinapakitang galing sa pag-arte ng mga bata. Aniya, "Imagine, ganitong kaaga pa lang sila pumasok sa showbiz tapos nakikita mo nang magaling na sila umarte. Paano pa kaya kapag tumagal-tagal pa sila sa showbiz?"

Dagdag pa ni Yasmien, ngayon lang daw siya nakakita ng mga baguhang child stars na kaya nang makipagsabayan sa veteran actors. Kung minsan nga raw ay nadadala pa ng mga bata ang kanilang co-stars sa mga eksena.

"Mas bongga pa sila umarte. Ilalampaso nila 'yung ibang artista in the future," bahagi ng Yagit star.

Hindi lang si Yasmien ang nagsasabing magagaling umarte ang child stars dahil pati mismo ang kanilang direktor na si Gina Alajar ay ipinagmamalaki sila.

Bukod pa sa galing sa acting, nakikitaan na rin daw ng professionalism ang Yagit kids sa kanilang murang edad ayon kay LJ Reyes.