TV

James Blanco, bilib sa dedikasyong ipinapakita ni Yasmien Kurdi sa ‘Yagit’

By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com 

Dahil matagal ding hindi nakita sa GMA si James Blanco, maraming Kapuso stars ang first time pa lang niya nakatrabaho sa Afternoon Prime soap na Yagit.

“Halos lahat naman sa cast dito bukod kay Wowie (de Guzman), lahat [ay] first time kong nakatrabaho,” pahayag ng nagbabalik-Kapuso after nine years.

Pero sa lahat ng cast members ng Afternoon Prime soap, pinakabilib daw siya kay Yasmien Kurdi dahil sa ipinapakita niyang passion sa trabaho.

Aniya, “Professional siya at saka sobrang dedicated siya sa work. Walang arte sa katawan. Kahit mainit sa location namin at kahit minsan [ay] nagbabaha, walang reklamo.”

Dagdag pa ni James, “Masaya at maganda siyang katrabaho. Walang problema.”

Nang makausap namin si Yasmien, pinatunayan niyang nagsasabi ng totoo si James. Saad niya, “Talagang pinaghihirapan po namin ang Yagit. Napakahirap po ng taping namin sa location itself. Ilang beses na po kaming binabaha sa Pandacan.”

Kahit daw mahirap ay walang alinlangan si Yasmien na ituloy ang taping. Itinuturing niya kasing challenge ang location para lalo niyang galingan ang pag-arte.

“Ibang experience siya for me. Kakaibang experience sa akin 'yung location and 'yung role [ni Dolores],”anang Yagit star.