TV

Patay, muling nabuhay?

By AL KENDRICK NOGUERA

Ayon sa mga kuwento, may mga pagkakataon daw na nabubuhay muli ang mga patay. Nangyayari raw ito dahil mayroon pang misyon na dapat gampanan ang taong namatay na.

Bukod pa rito, may mga nagsasabing posible pang mabuhay ang namatay na tao kapag hindi pa ito na naembalsamo.

Ang mga ito rin kaya ang dahilan kung bakit nabuhay muli si Lulu? Ano pa kaya ang kanyang unfinished business?

Abangan 'yan sa Yagit.