TV

Chlaui Malayao, hindi na kailangan ng acting coach sa taping ng 'Yagit'

By AL KENDRICK NOGUERA

 
Big girl na raw ang child star ng Yagit na si Chlaui Malayao ayon sa kanyang co-star sa Afternoon Prime soap na si Bettinna Carlos.
 
Ikinuwento ni Bettinna kung paano nagsimula si Chlaui sa kanyang unang teleserye bilang si Eliza. "Actually nakakatuwa kasi when we started taping in Yagit, mayroon 'yang set coach, si Ate Sweet," bahagi niya.
 
"Tapos napansin ko for the past month, hindi ko na nakikita si Sweet. So niloloko namin siya, uy, big girl ka na," dagdag pa niya.
 
Nakakabilib daw dahil napakagaling nang umarte ang pitong taong gulang na child star. "Kaya na niya nang walang acting coach. Kaya na niyang umiyak mag-isa, kaya niya nang mag-internalize," ani Bettinna.
 
READ: James Blanco, bilib sa acting skills ni Chlaui Malayao
 
Feeling daw ni Bettinna ay beterano na si Chlaui sa industriya dahil sa ipinapakita niyang professionalism. Aniya, "Natutuwa ako kasi kaya niya nang mag-build up and open siya kapag tutulungan mo. Pero minsan 'pag binubulungan kami ng direktor na tulungan, nagre-respond siya."
 
Dagdag pa niya, "Nakakatuwa siya at saka hindi siya namemersonal. Madalas ko siyang ma-ganyan [hawakan ang kamay], hindi ko na nga alam kung ilang sorry ang sasabihin ko sa tatay niya eh. Pero natutuwa ako kasi sa kanya talaga wala lang. [She's] very professional at such a young age."
 
Naniniwala rin daw si Bettinna na malayo ang mararating ni Chlaui sa showbiz. "Basta malaki ang potential ni Chlaui. Sana lang [ay] magtuloy-tuloy 'yan. Pero siyempre sana rin hindi niya mapabayaan 'yung pag-aaral niya," anang aktres.
 
READ: Chlaui Malayao, naipaayos na ang bahay dahil sa ‘Yagit’
 
Bukod kay Chlaui, wala na rin daw acting coach ang iba pang Yagit kids na sina Judie dela Cruz, Jemwell Ventinilla at Zymic Jaranilla. "Kala ko noong una nag-absent lang [si Sweet], 'yun pala talagang tine-train na 'yung mga bata to work on their emotions on their own," pagtatapos ni Bettinna.