Napapasaya ba kayo ng mga batang 'Yagit?' Let's take a closer look at the much-loved family drama remake.
Nagbabalik-Kapuso si James Blanco after nine years bilang si Victor.
Steph Yamut plays the uber bubbly Tiffany. Kagigil!
Si Dolores ang dating GRO na napamahal sa kaniyang customer na si Victor (James Blanco). Yasmien Kurdi shares,"It's a privilege po na makabilang po sa pinakamalaking proyekto ng GMA. Hindi ko ma-explain kung ano ang kasiyahan at excitement na nadarama ko ngayon."
Gloc-9 and Lirah Bermudez collaborated on the theme song of Yagit entitled Basta't Kasama Ka.
Aminado si LJ Reyes na ang kaniyang karakter na si Flora ay masyadong praktikal sa buhay. Iba rin ang kaniyang mga pangarap kaya't minsa'y malupit ngunit mahal pa rin niya ang mga batang Yagit.
Nagbabalik-telebisyon si Wowie De Guzman bilang Chito. Ano nga ba ang nararamdaman niya sa kaniyang bagong soap? "Nakakatuwa, siyempre ang tagal ko na rin 'di gumagawa ng soap, at very excited. At the same time, kinakabahan din kasi 'yung character ko, very different dun sa ginawa ko in the past."
Si Frank Magalona naman ang best friend ni Victor na si Bruce na tutulungan siyang mapalapit kay Dolores.
Si Raquel Villavicencio si Donya Claudia na galit sa lahat ng mga mahihirap. In real life naman, close na close siya sa mga Yagit kids.
Honored si Renz Fernandez i-portray ang role ni Roman, isang pulis na magiging kaibigan at tagapagtanggol ng mga bata.