TV

Tanong ni Marian Rivera sa Yan Ang Morning!: Asawa o si baby muna ang priority?

By GIA ALLANA SORIANO

Naging topic sa first episode ng Yan Ang Morning! ang tanong na: "Sino ang dapat na mas priority ng mga new mommies, ang baby or si daddy pa rin?"

 

Iba’t iba ang naging reaksyon ng studio audience. Ika ng isa sa mga viewers ay dapat daw si baby muna dahil nabigyan naman na raw ng oras ang kanyang asawa bago sila magkaroon ng anak. Sabi naman ng isa pang new mommy, asawa pa rin daw muna dahil bago siya maging isang ina ay naging asawa muna siya, unless daw puwede pagsabayin ang dalawa.

Nagbigay din naman ng opinion ang mga guests ni Marian na sina Aiai Delas Alas at ang anak nitong malapit na maging ama na si Sancho Delas Alas.

Ika ng dad-to-be, “Okay lang [kahit baby muna.] Kung baga kailangan parehas kami nakatutok sa baby. Anak ko rin 'yun, hindi ko kailangan makipagkompetnsya.”

Sinagot din naman ni Ms. Cristina Rosella, isang Clinical Psychologist, kung ano nga ba ang dapat talagang i-prioritize. Aniya, “Pareho muna sila tumutok sa bata, at pareho muna silang isantabi ang kanilang mga pangangailangan.” Kung baga ay “mag-bonding as a family” silang tatlo. Hindi na silang dalawa lang ang myembro ng pamilya, dahil may nadadag nang bagong blessing sa kanilang growing family.

MORE ON YAN ANG MORNING:

Marian Rivera lauds husband Dingdong Dantes for being supportive

Ano ang nagpapaganda ng umaga ni Marian Rivera

IN PHOTOS: Ang BFFs na sina Marian Rivera at Boobay ay magkakasama sa 'Yan Ang Morning!'