TV

Marian Rivera's Question of the Day: Agree or disagree ba ang mga mommies sa early education?

By GIA ALLANA SORIANO

 

Naging topic sa Yan Ang Morningkung approve or disapprove ba ang mga mommies sa early education. May mga moms na gusto pag-aralin ang kanilang mga anak as early as three years old para raw hindi mahuli sa lectures sa eskwelahan. Meron din namang gustong six years old na patuntungin ang bata sa school, dahil sa kagustuhan nilang ma-enjoy muna ng bata ang kanilang early years.

Pero ano kaya ang ideal age para mag-aral talaga ang mga bata?

Ika ni Ms. Belai Gruenberg, isang Interactive Psychologist and Alternative Holistic Education Advocate, ang pinakamagandang edad daw para mag-aral ang mga chikitings ay at least mga five to six years old kung Nursery, at six to seven years old kung Kinder naman. Ito raw ay dahil between zero to seven years old “naguupisang ma-develop ang katawan ng bata.”

Kung gusto naman daw ipasok ng magulang ang kanilang anak sa school ng mas maaga, puwede raw nilang i-consider ang “play school,” kung saan puwede pa ring maglaro ang mga bata at hindi masyadong academically centered. Ito raw ay para maiwas ang bata sa tinatawag na “childhood stress.”

Dagdag pa ni Ms. Belai, “Kung tutuusin ang pinakamaganda at ideal na paaralan para sa isang batang maliit ay  ang tahanan. At ang pinakamahusay na guro ng isang bata ay ang kanyang magulang.”

MORE ON YAN ANG MORNING!:

Ilan ang gustong maging anak ni Marian Rivera?

Ano ang advice ni Aiai Delas Alas sa mga working moms?

Tanong ni Marian Rivera sa Yan Ang Morning!: Asawa o si baby muna ang priority?