TV

Kris Aquino, mapapanood sa 'Yan Ang Morning!'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Abangan si Kris Aquino sa morning show ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Sa social media account ni Kris, ibinahagi niya ang kanyang pagbisita sa show ni Marian na Yan Ang Morning! 

 

Ayon sa kanyang caption, ito ay  kanyang pangako sa mga inaanak na sina Marian at  Dingdong Dantes.

"On Wednesday, I get to fulfill my promise to my inaanaks, @dongdantes & @therealmarian - I'm guesting in Yan Ang Morning."

Si Kris ay tumayong ninang sa kasal nina Marian at Dingdong noong December 30, 2014.

Tiyak na masayang kuwentuhan ang magaganap kaya huwag palampasin ito sa Yan Ang Morning!

More on Kris Aquino:

MUST-SEE: Kris Aquino's high school yearbook photo goes viral

Kris Aquino's son Josh chooses Willie Revillame's song for birthday video