TV

#IsmolGathering, bukas na!

By Aedrianne Acar

Isang araw na lang at muli uli ninyong makikitang magkakasama ang buong pamilya nina Jingo at Majay ng hit Kapuso sitcom na Ismol Family!

Exclusively streaming sa newest comedy channel na YouLol ang livechat ng Ismol Family ngayong Linggo, May 24, 7 p.m.

Base sa Instagram post ni Carla Abellana, regalo nila ang online reunion para sa fans ng sitcom, na tumutok sa kanila sa mahigit na dalawang taon.

Aniya, "Ang iilan sa mga namimiss nating mga eksena sa #IsmolFamily. Akalain niyong nagtagal kami ng halos dalawa't kalahating taon? Dahil po yan sa inyo.

"Kaya bilang pasasalamat sa inyo at regalo narin samin, may online reunion kami ngayong Linggo sa Facebook page at YouTube channel ng #YouLOL Makisali kayo sa #IsmolGathering namin ha?


Bukod sa unli-chikahan at tawanan, magsisilbi din pagkakataon ang YouLol live chat bukas upang tulungan ang GMA Kapuso foundation para sa kanilang fundraising activities.